AFP at OVP, ikinalugod ang nakuhang business outlook

Ikinalugod ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Office of the Vice President (OVP) ang resulta ng survey hinggil sa outlook ng business sector government.

Base sa July 2019 Executive Outlook Survey ng Makati Business Club, pumasok ang AFP sa ika-pitong pwesto na may satisfaction rating ng 78.7% habang ang OVP ay nakakuha naman ng 74.7%, nasa rank 14th.

Ayon sa AFP – mananatili ang kanilang katapatan sa pagtatanggol sa konstitusyon, pagprotekta sa mamamayan, paggalang sa demokrasya, pagsunod sa rule of law.


Sinabi naman ni Atty. Barry Gutierrez, abogado ni Vice President Leni Robredo – lubos silang nagpapasalamat sa MBC at sa mga miyembro nito sa pagkilala sa efforts ng opisina para sa maaasahang public service.

Sa survey, nanguna ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na may 97% satisfaction rating, kasunod ang NEDA (84.5%) at PAGASA (84.2%).

Mula sa 69 na government services, kulelat ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na may 21.9%.

Facebook Comments