NDRRMC, inirekomenda ang pagdedeklara ang state of calamity sa Batanes

Hinimok ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang mga Local Government Unit (LGU) ng Batanes na magdeklara ng state of calamity.

Ayon kay NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad – kapag naideklara ito ay magagamit ang tulong mula sa national government agencies.

Matatandaaang tumama sa lalawigan nitong Sabado ang magnitude 5.9 at 5.4 na lindol sa Itbayat, Batanes.


Facebook Comments