AFP at PNP, bubuo ng Board of Inquiry matapos ang shooting incident sa Sulu na ikinamatay ng apat na sundalo

Bubuo ang Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ng Board of Inquiry (BOI), ito ay matapos ang nangyaring shooting incident sa Jolo, Sulu kung saan apat na sundalo ang napatay ng mga pulis.

Ayon kay PNP Chief Police General Archie Gamboa, layunin ng pagbuo ng BOI ay para mas mapabuti pa ang operational procedure ng militar at pulisya at maiwasan na ang katulad na pangyayari at ma-improve ang kanilang mga operasyon.

Tumungo naman sa Camp Crame si AFP Inspector Major General Franco Nemecio Gacal at nakipagpulong kay PNP Internal Affairs Service Inspector General Alfegar Triambulo.


Matatandaan na una nang tinawag ng PNP na misencounter ang nangyari sa Jolo, Sulu pero binawi rin at tinawag na shooting incident.

Samantala, inihayag naman ni Gamboa ang naging pag-uusap nila ni Pangulong Rodrigo Duterte at sinabi raw sa kaniya ng Pangulo na tanggapin ang ano mang magiging resulta ng imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) at mananagot ang dapat managot.

Facebook Comments