Manila, Philippines – Hiniling ng Department of Environment and Natural Resorts (DENR) sa mga sundalo at pulis na sanayin ang mga forest rangers laban sa mga illegal loggers sa bansa.
Ginawa ng DENR ang hakbang kasunod ng insidente ng pagkakapatay sa ilang miyembro ng El Nido-Taytay Managed Resource Protected Area Management Board.
Ayon kay DENR, Secretary Roy Cimatu, kailangan ng mga forest rangers ng security protocol at kasanayan sa paghawak ng baril.
Kasabay nito’y pinag-aaralan din aniya ngayon ng ahensya kung puwede natin silang pahawakin ng baril kapag nagpapatrulya o may huhulihin para maipagtanggol ang mga sarili sa laban sa mga illegal loggers.
Nauna rito’y nabaril at napatay ng mga umanoy illegal loggers ang brgy captain na si Ruben Arzaga 49, ng El Nido Palawan isang aktibong sa AFP at PNP upang sugpuin ang illegal logging.
Habang may isa pang forest rangers na si Lito Eyala 23 anyos ang napatay ng mga illegal loggers sa Palawan noong August 23 ngayon taon.