Magtutulungan ang Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines sa pangangalaga ng seguridad sa pagbubukas ng klase ngayong darating na Hunyo.
Sabi ni Sr. Supt Eugene Pasurigan, hepe ng Public Safety Division ng PNP Directorate for Operations na maliban sa 86 na mga pulis ay makatutuwang din nito ang mga sundalo kasama pa ang iba pang pribado at security groups mula sa mga Local Government Unit.
Sakop din ng trabaho ng PNP, ang pangangalaga sa kaayusan ng traffic at pag-iinspeksyon sa mga dormitoryo para matiyak na walang anumang banta sa pagbubukas ng klase.
Magkakaroon din aniya ng mga adjustment sa security preparations ng PNP tulad sa Quiapo, Maynila kung saan naganap ang mga magkakasunod na bomba kamakailan.
DZXL558
Facebook Comments