MANILA – Naka-alerto na ang buong pwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) para sa posibleng epekto ng bagyong Lawin.Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Ricardo Visaya – bukod sa mga personnel, naka-standby na rin ang rescue team ng AFP maging ang kanilang mga rescue equipment.Ayon naman kay PNP Spokesperson S/Supt. Dionardo Carlos – mahigpit ang ginagawa nilang koordinasyon sa mga Local Disaster Risk Reduction And Management Council lalo na sa lugar na tutumbukin ng bagyo.Gaya ng AFP, naka-deploy na rin ang search and rescue teams ng pambansang kapulisan para tumulong sa paglilikas ng mga maapektuhang residente.
Facebook Comments