AFP at PNP, siguradong napatay na ang “last man standing” ng Maute-ISIS group sa Lanao Del Sur

Siyamnapu’t siyam na porsiyentong sigurado ang Armed Forces Of The Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na napatay nila ang itinuturing na “last man standing” ng Maute-ISIS na umatake noon sa Marawi City.

Ayon kay Lanao Del Sur Provincial Police Office Director Sr/ Supt. Madzgani Mukaraam, mismong si 103rd Infantry Brigade-Philippine Army Commander Col. Romeo Brawner ang direktang may alam sa pagkakakilanlan ni Benito Marahomsar alyas “abu dar” kaya kumbinsido sila na napatay ito sa engkwentro.

Kung ibabatay din aniya sa pisikal na anyo ang bangkay na narekober ng militar sa encounter site, tumugma raw ito sa katauhan ng terorista.


Sa ngayon, hinihintay na lang nila ang resulta ng dna test sa specimen ni Abu Dar.

Una nang napaulat na kabilang si Abu Dar sa walong terorista na napatay ng militar nang mangyari ang engkwentro sa bayan ng pagayawan at tubaran sa Lanao Del Sur.

Facebook Comments