Kapwa siniguro ng Philipinne National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi na mauulit ang Jolo shooting incident kung saan napatay ng 9 na pulis ang 4 na sundalo noong Hunyo 2020.
Ginawa nila ang pagtiyak matapos magpulong si PNP Chief PGen. Camilo Pancratius Cascolan at AFP Chief Gen. Gilbert Gapay sa isinagawang National Joint Peace and Security Coordinating Center (JPSCC) meeting sa Camp Crame kahapon.
Ayon kay PNP Chief, pinag-usapan nila ni Gen. Gapay ang pinalakas na kooperasyon sa intelligence operations upang maiwasan ang mga kahalintulad na insidente.
Tinalakay rin aniya nila ang pagkakaroon ng Joint Simulation Exercises para mas mapag-tibay ang brotherhood ng PNP at AFP.
Sinabi naman ni Gen. Gapay na ang pagpupulong ng AFP at PNP ay naging magandang pagkakataon para mas maging maayos pa ang kanilang “interoperability”.
Sinuguro ni Gen. Gapay na “committed” ang AFP na suportahan ang PNP sa pagtugon sa mga isyu sa kapayapaan at seguridad ng bansa.