Manila, Philippines – Nilinaw ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines na wala silang itinakdang deadline para tapusin ang giyera sa lungsod ng Marawi.
Ito ay kahit na may ilang opisyal ng AFP ang nagtatakda na agad ng deadline kahit malabo pa ito.
Ayon kay AFP Spokesperson Major General Restituto Padilla walang “official” at “categorical statement” ang militar sa deadline ng giyera sa lungsod.
Aniya maikukunsidera lamang na tapos na ang Marawi Seige sa oras na makuha na nila ang lahat ng kanilang kinakailangan sa lungsod at kapag nakaharap na nila ang lahat ng kanilang kailangang harapin.
Sa ngayon sa kabila ng patuloy ana gyera nananatiling mataas ang morale ng mga sundalo na lumalaban sa lungsod.
Sisikapin din daw ng militar na matapos sa lalong madaling panahon ang gyera kahit alam nilang mapanaganib ito sa buhay ng mga sundalong patuloy na nakikipag-bakbakan.