AFP, beberipikahin ang alegasyong na may ilang sundalo ang nagpaturok ng smuggled vaccine

Sisilipin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang alegasyon ni Special Envoy to China Mon Tulfo na may ilang sundalo ang nakatanggap ng hindi rehistradong COVID-19 vaccines noong nakaraang taon.

Ayon kay AFP Spokesperson Major General Edgard Arevalo, wala pa silang natatanggap na anumang impormasyon na may mga sundalo, bukod sa Presidential Security Group (PSG) ang nabakunahan ng hindi rehistradong bakuna.

Kapag nakumpirma nila ang ulat ay agad silang magsasagawa ng imbestigasyon ukol dito.


Matatandaang inihayag ni Tulfo na nabakunahan na siya ng Sinopharm COVID-19 vaccines, kasama ang ilang Cabinet officials, sundalo, pulis at isang senador noong nakaraang taon.

Noong December 2020, inamin ni PSG Commander Brigadier General Jesus Durante III na may ilang PSG personnel na ang nagpabakuna laban sa COVID-19 vaccines noong Setyembre at iginiit na kailangan din nilang protektahan ang kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments