AFP, BFP at Coast Guard, Sasama na rin sa Checkpoint ng PNP!

88

Cauayan City, Isabela- Makakatuwang na rin ng kapulisan sa pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine sa Lalawigan ng Isabela ang mga sundalo, bumbero at Philippine Coast Guard.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Police Colonel Mariano Rodriguez, Provincial Director ng PNP Isabela, inaaasahan aniya na pagkatapos ng isasagawang assembly meeting ngayong araw ay makakasama na nila sa pagbabantay at pagcheckpoint ang mga naturang tropa ng pamahalaan.


Kasunod pa rin ito ng kanilang striktong pagpapatupad sa mga ibinabang alituntunin ng gobyerno kontra sa lumalalang Coronavirus disease (COVID-19) sa mundo.

Hiniling nito sa bawat isa na makipagtulungan at sumunod sa kautusan ng gobyerno upang mapigilan ang pagkalat ng naturang sakit.

Samantala, kanya-kanyang bili muna sa ngayon ng face mask ang bawat hanay ng kapulisan sa Lalawigan dahil hinihintay pa lamang umano ang tulong mula sa pamahalaang lokal.

Facebook Comments