BI, inupakan ni DFA Sec. Locsin dahil sa stranded OFWs sa NAIA

4550

Muling nakatikim ng banat mula kay Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin ang Bureau of Immigration (BI).

Sa kanyang post sa kanyang twitter account, sinabi ni Locsin na ang BI ang may kasalanan kung bakit hindi makalipad ang eroplano ng Philippine Airlines na sasakyan sana ng OFWs na pabalik ng Hong Kong.


Ayon kay Locsin, noong nakaraang buwan pa binasbasan ng Pangulong Duterte ang kanyang mungkahi na payagan nang makabalik ng Hong Kong ang OFWs.

Hindi naman aniya banta sa kalusugan ng mga Pilipino ang naturang Pinoy workers kasi palabas naman sila ng bansa.

Una nang inupakan ni Locsin ang Bureau of Immigration dahil sa paglobo ng bilang ng Chinese POGO workers sa bansa.

Facebook Comments