AFP, binatikos ang pagpugot ng ulo ng bandidong Abu Sayyaf sa isang sundalo

Manila, Philippines – Binatikos ng Armed Forces of the Philippines ang Abu Sayyaf Group matapos ang pagpugot nito ng ulo sa isang sundalo na si Staff Sergeant Anni Siraji ng 32nd Infantry Battalion.

Ayon kay Military Public Affairs Office Chief Col. Edgard Arevalo, maaaring nais ipahiwatig ng ASG na walang sinuman ang ligtas mula sa kanilang kalupitan.
Ipinapakita umano ng bandidong grupo na wala silang respeto sa sinuman dahil kaya nilang patayin ang kahit na sino.

Dagdag pa ni Arevalo, bahagi ng operasyon ng ASG ang pagdukot ng kahit na sino mula sa AFP at patayin sa brutal na pamamaraan.


Facebook Comments