Agriculture Secretary Manny Piñol, humingi ng paumanhin kay PCO Secretary Andanar kaugnay sa kumento nitong mabagal na paglalabas ng balita ukol sa accomplishments ng Pangulo

Manila, Philippines – Nag-sorry na si Agriculture Secretary Manny Piñol kay Presidential Communications Office Secretaty Martin Andanar.

Ito’y matapos akusahan ni Piñol na mabagal ang tanggapan ni Andanar sa paglalabas ng balita ukol sa mga accomplishments ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa launching ng bagong website ng Philippine News Agency sa Conrad Hotel sa Pasay City ay sinabi ni Andanar agad na tumawag sa telepono si Piñol para humingi ng paumanhin.


No hard feelings umano ayon kay Andanar ang ginawang pagbatikos ni Piñol.

Kasabay nito inimbatahan ni Andanar si Piñol na magkape para ipaliwanag at ipakita sa huli ang ginagawang trabaho sa PCO.

Facebook Comments