AFP, binigyan ng 5,000 dressed chicken mula sa Thailand para ibigay sa mga sundalong nasa frontline kaugnay sa ipinatutupad na ECQ

Aabot sa 5,000 dressed chicken mula sa Thailand ang tinanggap ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ngayong araw.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Captain Jonathan Zata, ang mga donasyon ay para sa mga sundalong frontliner na nagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Kanina, isinagawa ang turn over ng donasyon sa AFP General Headquarters Canopy Area.


Pinangunahan ito ni Ambassador of Thailand Vasing Ruangprateepsang at AFP Chief of Staff. General Filemon Santos Jr.

Ipamamahagi ang mga dressed chicken sa iba’t-ibang unit sa Luzon sa pamamagitan ng Joint Task Force-National Capital Region (JTF-NCR).

Nagpasalamat naman si Santos sa Emhabada ng Thailand dahil sa tulong at sinabing malaking bagay ito para sa mga sundalong nagbibigay serbisyo.

Facebook Comments