AFP, binigyang parangal ang mga sundalong nakasagupa ng BIFF sa Maguindanao

Courtesy: AFP Facebook page

Binigyang pagkilala ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga tauhan ng 6th Infantry Division ng Philippine Army na nasugatan matapos maka-engkuwentro ang mga tauhan ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF)-Karialan faction sa Maguindanao del Sur noong Lunes.

Personal na iginawad ni AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr., ang medalya sa mga sugatang sundalo bilang pagkilala sa kanilang sakripisyo, matiyak lamang ang kapayapaan at seguridad sa rehiyon

Kasunod nito, tiniyak ni Brawner sa mga sundalo ang buong suporta at nangakong makatatanggap ang mga ito ng kaukulang tulong hanggang sa kanilang paggaling.


Matatandaang napatay ng mga tropa mula sa 1st Brigade Combat Team at 1st Sout Ranger Battalion ang pinakamataas na pinuno ng BIFF na si Mohiden Animbang alias Karialan at 11 kasama nito sa Sitio Pendililang, Kitango, Datu Saudi Ampatuan noong Lunes.

Facebook Comments