Panukalang pagtatayo ng wellness hubs para sa senior citizens, sinimulan nang dinggin sa Senado

Sinimulan nang dinggin sa Senado ang Senate Bill No. 69 o ang Center for the Elderly in All Cities and Municipalities Act.

Sa ilalim ng panukala, magkakaroon ng wellness hub sa buong bansa na may basic health services at mga activity area para sa mga matatanda.

Kabilang dito ang sapat na espasyo para sa indoor activities, mga open space at mga lugar ng hardin para sa outdoor activities.


Bahagi rin ng plano ang pagkuha ng mga doktor, nurse, at dalawang barangay health workers para sa tatlong shift ng duty sa mga hub.

Facebook Comments