AFP, bukas sa pagkupkop sa mga susukong miyembro ng NPA

Manila, Philippines – Bukas ang Armed Forces of the Philippines sa integration o pagkupkop sa mga susukong miyembro ng New People’s Army.

Ito ay batay na rin sa naunang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na plano nitong ipasok sa AFP ang mga magbabalik loob na rebelde.

Sabi ni AFP Spokesperson Brig. General Restituto Padilla, wala naman silang nakikitang masama dito at handa rin silang suportahan ang plano ng pangulo.


Maliban dito ay pwede rin namang gawing miyembro ng CAFGU o Citizen Armed Force Geographical Unit ang mga susukong rebelde.

Facebook Comments