PNP, walang impormasyon na may 2 aktibong heneral ang dawit sa ouster plot laban sa Marcos admin

Walang natatanggap na impormasyon ang Philippine National Police (PNP) na may dalawang (2) aktibong heneral na nakatalaga sa Mindanao ang sangkot sa umano’y destabilization plot laban sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ito’y makaraang ibunyag ni dating Senator Antonio Trillanes IV na ang dalawang heneral na ito ay mula sa hanay ng PNP na kabilang umano sa Davao group.

Muling inulit ni PNP Public Information Office Chief PCol. Jean Fajardo na walang aktibong PNP officials ang sangkot sa pinalulutang na ouster plot laban sa administrasyong Marcos.


Bukas aniya ang PNP sa anumang impormasyong maaaring maibahagi ni Trillanes upang mabigyang linaw ito.

Samantala sinabi din ni Fajardo na nananatiling high morale ang buong hanay ng Pambansang Pulisya.

Facebook Comments