AFP CHIEF | DND, ipinaabot ang pagbati kay Lt. Gen. Madrigal

Nagpaabot ng pagbati ang Department of National Defense (DND) kay Lieutenant General Benjamin Madrigal sa kanyang pagkakahirang bilang susunod na AFP chief.

Ito ay matapos na matanggap ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang liham na na nilagdaan ng Pangulo kung saan nakasaad na aprubado na ang appointment ni Lieutenant General Benjamin Madrigal bilang susunod na pinuno ng AFP.

Ang pagtalaga ng Pangulo kay Madrigal bilang kapalit ni outgoing AFP Chief General Carlito Galvez Jr. ay base sa pag endorso ni Secretary Lorenzana at rekomendasyon ni Galvez at ng Chairman ng Board of Generals (BOG).


Si Madrigal, na kasalukuyang Commanding General ng Eastern Mindanao Command ay miyembro ng Philippine Military Academy “Sandiwa” Class of 1985, at pinaka-senior sa mga inirekomenda ng AFP BOG.

Tiniyak ng DND ang kanilang buong suporta kay Madrigal sa kanyang pag-assume ng posisyong babakantehin ni AFP Chief Galvez sa December 12.

Kasabay nito, pinasalamatan din ng DND si Galvez sa kanyang natatanging pamumuno at kahanga-hangang serbisyo militar na nagbigay ng inspirasyon, propesyonalismo, pagmamahal sa bayan at maayos na pamamahala sa AFP.

Facebook Comments