Lalaking Wanted sa Batas, Arestado sa Ramon, Isabela!

Ramon, Isabela- Arestado ang isang lalaki na wanted sa batas matapos isilbi ng mga kasapi ng PNP Ramon ang Warrant of Arrest nito kahapon sa Bugallon Proper, Ramon, Isabela.

Kinilala ang inaresto na si Arthur Castro, singkwenta anyos at residente rin ng nasabing barangay.

Batay sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, siya ay inaresto dahil sa kaso nitong iligal na pagdadala ng baril sa bisa naman ng warrant of arrest na ipinalabas ni judge Anastacio Anghad ng RTC Branch 36 Santiago City.


Dinala na sa CIDG Santiago City ang suspek para sa kanyang kaukulang dokumentasyon bago iturn-over sa court of origin nito.

Pansamantalang makakalaya si Castro kung makakapaglagak ito ng kanyang piyansang dalawang daang libong piso (200,000.00).

Facebook Comments