AFP Chief, dumistansya sa reclamation activities ng China

Dumistansya si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Lieutenant General Gilbert Gapay mula sa plano ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin na irekomenda ang pagkansela sa business contacts sa ilang Chinese companies na bahagi ng reclamation activities sa South China Sea.

Ayon kay Gapay, ipinauubaya na niya ang isyung ito sa mga kinauukulang ahensya.

Ang pagpili ng construction companies para sa mga proyekto sa ilalim ng Build Build Build Program ay hindi na nila sakop.


Naniniwala si Gapay na ang mga kontratang pinasok ng gobyerno sa Chinese companies ay dumaan sa proseso sa ilalim ng government procurement law.

Iginiit ni Gapay na kailangang magkaroon ng mapayapang resolusyon sa isyu.

Nanindigan si Gapay na patuloy nilang itataguyod at poprotektahan ang soberanya ng Pilipinas sa pamamagitan ng naval presence at mahigpit na pagbabantay ng sitwasyon sa West Philippine Sea.

Nabatid na nakalusot sa Commission on Appointments si Gapay at iba pang matataas na opisyal ng AFP.

Facebook Comments