DILG, nagbabala sa mga LGU sa bagong fund scam

Nagbabala ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga Local Government Unit (LGU) laban sa mga scammer na ginagamit ang pera ng DILG Offials para mangikil ng pera kapalit ang paglalabas ng pondo para sa kanilang lokalidad.

Ayon kay Interior Undersecretary Spokesperson Jonathan Malaya, aatasan ng mga kawatan ang mga lokal na opisyal na magdeposito ng pera sa kanilang account sa pangakong ilalabas agad ang pondo.

Naaalarma sila dahil ginagamit ang pangalan ni Interior Secretary Eduardo Año at iba pang matataas na opisyal ng ahensya para sa ganitong modus.


Nakiusap si Malaya sa mga LGU na makipag-ugnayan lamang sa kanilang local DILG operations officer o provincial at regional directors.

Facebook Comments