AFP Chief, nagsimula nang magpaalam sa mga sundalo dahil sa nalalapit na pagreretiro sa Pebrero

Nagpaalam na si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Gilbert Gapay sa mga tropa ng Eastern Mindanao Command kaugany sa nalalapit na pagsapit ng kanyang pagreretiro sa serbisyo sa susunod na buwan.

Sa kanyang pagbisita sa EastMinCom Headquarters sa Panacan, Davao City, nagpasalamat si Gen. Gapay sa mga tropa ng EastMinCom na binubuo ng 10th Infantry Division, 4th Infantry Division, Naval Forces Eastern Mindanao (NFEM), at Tactical Operations Wing Eastern Mindanao, sa kanilang buong suporta sa kanyang halos anim na buwang panunungkulan bilang AFP Chief.

Pinuri rin ni Gen. Gapay ang EastMinCom, sa pamumuno ni EastMinCom Commander Lt. Gen Jose C. Faustino Jr. sa pagiging “top-performing Unified Command” ng AFP.


Si Gen. Gapay na pormal na nanungkulan bilang ika-54 na AFP Chief of Staff noong August 3, 2020, ay nakatakdang magretiro sa Pebrero 4 ngayong taon pagsapit ng kanyang ika-56 na kaarawan.

Facebook Comments