AFP Chief of Staff Año, posibleng mapaaga ang pagreretiro

Manila, Philippines – Posibleng mapaaga ang pagreretiro sa serbisyo ni AFP Chief of Staff General Eduardo Año kasunod ng anunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na siya na ang itatalagang bagong kalihim ng Department of Interior And Local Government o DILG.

Ayon kay AFP spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla sa Oktubre pa ang nakatakdang pagreretiro ni General Año sa edad na 56 yrs. old.

SOP o Standard Operating Procedure naman na agad na pipili ang Board of Generals ng mga heneral na irerekomenda kay Pangulong Duterte para maging AFP Chief of Staff.


Maaring pagpilian naman ay ang mga AFP service commanders.

Si General Año ay umupo bilang AFP Chief of Staff noong buwan ng Disyembre ng nakalipas na taon.

Matatandaang sinibak naman ni Pangulong Duterte si dating DILG Secretary Ismael Sueno dahil sa umanoy korapsyon sa ahensya.

DZXL558

Facebook Comments