AFP Chief of Staff Gen. Brawner, personal na nakiramay sa naulilang pamilya ng 2 piloto na nasawi kamakailan sa Cavite

Personal na bumisita Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr., sa burol nina Lt Jan Kyle Borres at Ensign Izzah Taccad sa Libingan ng mga Bayani, sa Taguig City, kamakailan.

Ginawa ni General Brawner ang pagbisita, isang araw matapos bumagsak ang nalalabing R22 trainer helicopter ng Phil. Navy sa lalawigan ng Cavite na ikinasawi ng dalawang piloto.

Kasabay nito, nagpaabot ng taos pusong pakikiramay si Brawner sa naulilang pamilya ng dalawang piloto at tiniyak na ibibigay ang buong suporta at benepisyo sa mga ito.


Una nang bumuo ang AFP ng investigation team na syang tutukoy sa sanhi ng pagbagsak ng helicopter ng Philippine Navy.

Sa inisyal na imbestigasyon, galing sa Sangley airport ang naturang helicopter at nagsasagawa noon ng training flight lulan ang 2 piloto nang mangyari ang trahedya.

Facebook Comments