Cauayan City, Isabela- Bumisita si AFP Chief of Staff General Cirilito Elola Sobejana sa Camp Melchor F. Dela Cruz, Upi, Gamu, Isabela.
Isa sa dahilan ng pagbisita ng heneral ang pagbibigay karangalan sa mga nararapat na 5ID Personnel/unit sa kanilang ipinamalas na dedikasyon sa trabaho laban sa insurhensiya lalo na ang nangyaring pagkapatay sa top most NPA commander sa Region 2 na si alyas “Ka Yuni”.
Matatandaang si “Ka Yuni” ay natagpuang patay nito lamang Marso 15 taong kasalukuyan matapos makasagupa ang pwersa ng 86th IB at PNP San Guillermo kung saan nakitang nakahukay ang kanyang bangkay sa isang sagingan sa Barangay Dingading sa bayan ng San Guillermo, Isabela.
Si “Ka Yuni” o Rosalio V Canlubas, Commander ng Regional Operations Command ROC) at Regional Sentro de Gravidad, Komiteng Rehiyon-Cagayan Valley (KR-CV) ng CPP-NPA.
Dagdag pa rito, pinangunahan ni alyas “Ka Yuni” ang pagsunog sa milyong halaga ng heavy equipment at amga high-end utility vehicles ng isang mining farm sa Brgy. Dimaluadi, Dinapigue, Isabela noong October 2015.
Siya rin umano ang nanguna sa pag-atake ng daan-daang terorista sa Maddela Police Station sa Probinsya ng Quirino, gabi ng Abril 29,2017 kung saan napatay ang ilang pulis at nakuha ang mga uniporme at armas.
Tiniyak naman ni Gen. Sobejana na patuloy ang gagawing panawagan sa mga natitira pang rebelde na magbalik loob sa pamahalaan gayundin ang kampanya laban sa insurhensiya.