AFP Chief of Staff General Año, nasurpresa sa anunsyo sa pag-upo niya bilang DILG Secretary

Manila, Philippines – Nasurpresa si AFP Chief of Staff Eduardo Año sa naging anunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na siya na ang uupo bilang bagong kalihim ng Department of Interior And Local Government o DILG.

Ayon kay General Año, bagamat naririnig niya na isa sa siya sa ikinokonsidera para maging DILG secretary kapag siya ay nagretiro sa AFP ay hindi naman niya inakalang agad itong iaanunsyo ng Pangulo.

Sa ngayon aniya, hindi na muna niya iniisip kung ano ang mga magiging prayoridad nyang programa at plano bilang DILG Secretary dahil nanatili pa siyang AFP Chief of Staff.


Pero tiniyak nyang magiging whole of government approach ang gagawin niyang pagresolba sa mga problema.

Nakadepende naman daw kay Pangulong Duterte kung kailan siya magsisimula sa pagta-trabaho bilang bagong DILG secretary.

Sa kasalukuyan aniya ay itutuon na muna niya ang kanyang atensyon sa pagtatrabaho bilang AFP Chief of Staff.

DZXL558

Facebook Comments