AFP Chief of Staff Lt. General Jose Faustino, nagpositibo sa COVID-19

Kinumpirma mismo ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Lt. General Jose Faustino na siya ay nagpositibo sa COVID-19.

Siya ay una nang nagpositibo sa antigen test kaya agad na sumailalim sa confirmatory test kaninang umaga at ngayong hapon ay lumabas ang resulta.

Sinabi ni Faustino, mabuti na lamang ay fully vaccinated na siya kaya nasa high spirits pa rin na gampanan ang kaniyang trabaho kahit naka-quarantine.


Mananatili aniya siyang in command sa AFP pero itutuloy ang isolation protocol para matiyak na hindi siya makakahawa sa kaniyang pamilya at mga katrabaho.

Sa katunayan, aniya bukas ay makikiisa sya sa Western Mindanao Command Change of Command Ceremony virtually.

Hinihikayat naman ni Faustino ang lahat na makiisa sa panawagan ng gobyerno na magpabakuna kontra COVID-19.

Facebook Comments