AFP Chief of Staff pinalitan na ngayong araw; Pangulong Rodrigo Duterte hindi nakasipot sa AFP Change of Command Ceremony

Pormal nang itinalaga bilang bagong AFP Chief of Staff si Lt. Gen. Noel Clement.

 

Si Lt. Gen Clement ang pang 52 AFP Chief of Staff na miyembro ng PMA Sandiwa class of 1985.

 

Ang heneral ay tubong Lipa Batangas na nag aral muna sa DOLE Philippines School, Stella Maris Academy of Davao at Ateneo De Davao University bago pumasok sa PMA noong taong 1981.


 

Pagka graduate sa PMA naging platoon leader at company commander ito sa ibat ibang Infanty Division.

 

Nakatanggap na ang incoming AFP Chief of staff ng apat na distinguished service star medals, isa ay Outstanding Achievement Medal, tatlong bronze cross medal at dalawang Meritorious achievement medals at iba pang awards dahil sa ipinakitang galing at dedikasyon sa pagseserbisyo bilang officer ng AFP.

 

Isinagawa ang change of command sa Camp Aguinaldo grandstand na kung saan hindi nakadalo Pangulong Rodrigo Duterte bilang guest of honor and speaker sa hindi pa matukoy  na dahilan.

 

Isinabay  rin gawin ang testimonial parade and honor para kay outgoing AFP Chief of Staff Gen. Benjamin Madrigal.

 

Si Gen. Madrigal ay magreretiro na ngayong araw sa edad na 56 years old.

 

 

 

Facebook Comments