Swedish national at tatlo pang suspek sa nangyaring pagpapasabog sa palengke ng Isulan Sultan Kudarat naaresto

Nadakip na nang pinagsanib na pwersa ng militar at pulisya ang apat na suspek sa pagpapasabog sa palengke ng Isulan Sultan Kudarat kahapon sa Sitio Nakan, Barangay Kapaya, Bagumbayan, Sultan Kudarat.

 

Ito ang kinumpirma ni AFP Western Mindanao Command Spokesperson Major Arvin Encinas.

 

Aniya kabilang sa mga suspek ay isang Swedish national na si Hassan Akgun at tatlo pa na kinilalang sina Abedin Camsa; Normia Camsa; at Norshiya Camsa.


 

Sa pag aresto sa mga ito narekober sa kanila ang ilang baril, Improvised explosive device, cellphone at mga ginagamit sa paggawa ng bomba.

 

Dinala na ang mga suspek sa Sultan Kudarat Provincial Police Office para sa pagsasampa ng kaso.

 

Matatandaang sa nangyaring pagsabog pitong indibidwal ang sugatan.

Facebook Comments