AFP Deputy Chief of Staff for Intelligence na si Major Gen. Alex Luna, sinibak ni Defense Secretary Delfin Lorezana dahil sa pagpapalabas ng maling listahan ng mga NPA na napatay ng militar

470

Sinibak sa pwesto ni Defense Secretary Delfin Lorenzana si Major General Alex Luna bilang Deputy Chief of Staff for Intelligence.

Ang pagsibak ay epektibo ngayong araw January 28, 2021.


Ayon sa kalihim, nagmula sa opisina ni Luna na J2 ang maling listahan ng mga New People’s Army (NPA) na napatay ng militar.

Giit ng opisyal, malaki itong pagkakamali at hindi nya pwedeng palagpasin.

Para sa kanya, isa itong kapabayaan sa trabaho kaya dapat mapanagot si Luna.

Matatandaang kumalat ang listahan ng mga NPA na napatay ng militar na umani ng batikos dahil ang ibang nasa listahan ay maling pangalan habang ang iba naman ay buhay pa.




Facebook Comments