Mga nagkasakit sa COVID-19, hindi agad mababakunahan

68

Maghihintay muna ng ilang buwan ang mga dati nang nagkaroon ng COVID-19 bago sila mabakunahan.

Ayon kay Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, kailangan munang maghintay ng 3 buwan ng mga ito dahil mayroon pa silang antibodies.


Muli ring nilinaw ni Vergeire na ang mga nagkaroon na ng COVID-19 ay walang katiyakan na hindi na sila mahahawaan muli ng virus

Nagpapaalala naman ng Department of Health (DOH) sa mga mayroong allergy sa bakuna na magpakonsulta muna sa doktor para ma-assess ang kanilang kalagayan.

Facebook Comments