AFP, handang tumugon sa epekto ng Bagyong Egay

Nakahanda ang mga tauhan at kagamitan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na tumugon sa anumang emergency na dulot ng Bagyong Egay.

Ito ang tiniyak ni AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr., kasunod ng pananalasa ng bagyo sa Babuyan Islands at Cagayan ngayong araw.

Bilang paghahanda, minobilisa kahapon ang mga tropa at kagamitan ng 525th Engineer Combat Battalion (525ECBn) ng 51st Engineer Brigade (51EBde).


Kumpleto rin ang mga tropa sa Disaster Response Operations TEAs (Tools, Equipment, Accessories) para sa posibleng deployment upang tulungan ang mga stranded na pasahero at magsagawa ng rescue, relief at clearing operations sa mga lugar na apektado ng bagyo.

Facebook Comments