Halaga ng piso, lumakas nitong mga nakaraang araw ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin

Inihayag ni Executive Secretary Lucas Bersamin na lumakas ang piso nito pang mga nakakalipas na araw.

Ayon sa executive secretary, ang nakitang paglakas ng piso ay maaaring may kinalaman sa magandang estado ng inflation rate ngayon sa bansa.

Kung mapapansin aniya na nitong mga nakaraang araw ay makikita sa exchange rate na sumisipa ang piso kasabay ng pagbaba ng inflation rate.


Sa usapin naman aniya ng inflation, sinabi ng kalihim na batay sa magandang itinatakbo nito sa kasalukuyan, ay nakikita nilang mas bababa pa ito.

Promising kung mailalarawan ang galaw ng inflation na aniya’y nagpapalakas sa purchasing power ng mamamayan.

Facebook Comments