Jolo, Sulu – Hindi pa rin kumbinsido ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na ang nangyaring Jolo twin bombing noong Linggo ay kagagawan ng suicide bombers.
Sa kabila ito ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte at Department of Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na suicide bombings ang nangyari.
Ayon kay AFP Spokesman Brg. Gen. Edgard Arevalo, may mga leads sa kanilang inisyal na imbestigasyon na nagpapakita na posibleng hindi ito suicide bombing.
Giit ng AFP, ang nakitang Improvised Explosive Device (IED) sa labas ng Mt. Carmel Cathedral ay “remotely” detonated.
Sa kambal na pagsabog, umabot sa 22 ang patay habang mahigit 100 ang nasugatan.
Facebook Comments