AFP, hindi magpapatupad ng suspension of military operations ngayong holiday season

Wala sa plano ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagpapatupad ng suspension of military operations (SOMO) ngayong holiday season.

Inihayag ito ni AFP Spokesperson, Col. Ramon Zagala kasabay ng pahayag na patuloy ang kanilang operasyon para sa matiyak ang kaligtasan ng publiko.

Sinabi ni Zagala na noon pang 2017 ay hindi nagkakaroon ng tigil-putukan at sa nakalipas na mga taon ay wala namang naging masamang epekto ito at sa halip ay lalo pang tumibay ang kanilang pagbabantay sa bansa.


Samantala, inihayag ng AFP spokesman na hindi lang sila ang kumikilos para sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) kundi marami pang ahensiya ng gobyerno na ang layunin ay mapabalik sa normal na buhay ang mga rebelde at matulungan sila sa kanilang kabuhayan.

Ang NTF-ELCAC aniya ang nakikita ng Duterte administration na susi para makamit ang katahimikan at pag-unlad ng lahat ng lugar sa bansa.

Facebook Comments