AFP, hindi na rin magsasagawa ng Christmas party

Iniutos na ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Gilbert Gapay sa lahat ng Unit Commanders sa buong bansa na huwag na munang magsagawa ng Christmas party.

Ito ay kasunod ng hiling ng Metro Manila Council sa iba’t ibang pribadong kompanya na wala munang Christmas party upang makaiwas sa COVID-19.

Ayon kay AFP Spokesperson Major General Edgard Arevalo, ang gagastusin ng AFP para sa Christmas party ay isasama nalang nila sa pondo para maibigay ang mga pangangailangan ng mga sundalo sa paglaban sa COVID-19.


Paliwanag ni Arevalo, ramdam ng hanay ng AFP ang hirap na idinulot ng pandemya sa kabuhayan ng mga Pilipino kaya hindi napapanahon na magsagawa pa ng Christmas party.

Bukod dito, ang pagsasagawa rin aniya ng Christmas party ay paglabag sa ipinaiiral na health protocols partikular ang mass gatherings ng gobyerno na mahigpit na sinusunod ng Armed Forces of the Philippines.

Facebook Comments