Manila, Philippines – Hindi pa masabi ngayon ni Armed Forces of the Philippines Spokesman Brigadier General Restituto Padilla kung ano ang magiging rekomendasyon ng Department of National Defense kay Pangulong Duterte kaugnay sa Martial Law.
Ito ang sinabi ni Padilla sa harap narin ng balita na sa susunod na linggo ay magbibigay na ng rekomendasyon ang DND kay Pangulong Duterte base narin sa kanilang Assessment hindi lang sa Marawi City kundi sa buong Mindanao.
Sa Mindanao Hour dito sa Malacanang ay sinabi ni Padilla na hindi niya masabi ngayon kung ang irerekomenda ay ang extension o pagtanggal ng Martial Law sa Mindanao.
Paliwanag ng Opisyal, hanggang ngayon kasi ay nagpapatuloy ang ginagawang pagaaral o assessment ng pamahalaan sa sitwasyon ng seguridad sa buong Mindanao.
AFP, hindi pa alam kung ano ang magiging rekomendasyon ng DND sa martial law kay Pangulong Duterte
Facebook Comments