AFP, hindi raw takot sakaling humantong sa giyera ang tensyon sa West Philippine Sea

Hindi natatakot ang Armed Forces of the Philippines kung humantong man sa giyera ang nangyayaring tensyon ngayon sa West Philippine Sea.

Ito ang inihayag ni AFP Chief of Staff Gen. Cirilito Sobejana sa virtual press conference kanina.

Aniya may contingency plan ang bansa para maprotektahan ang ating Exclusive Economic Zone (EEZ).


Bukod dito, may diplomatic approach pa naman na pinanghahawakan ang Pilipinas para masolusyonan ang isyu.

Samantala, inihayag pa ni Sobejana na tuloy ang sovereignity patrol ng sampung barko ng Pilipinas sa West Philippine Sea kasama nito ang barko ng Philippine Coast Guard at BFAR.

Layunin nitong mapangalagaan ang mga Pilipinong mangingisda at marine resources ng Pilipinas.

Para kay Sobejana, unregulated na ang mga pangingisda ng China at hindi malayo na masira ang marine resources kapag nagtagal ito.

Facebook Comments