Glaiza de Castro, ibinahagi kung paano nila kinakaya ng fiancé na si David Rainey ang long distance relationship

Ibinahagi ng aktres na si Glaiza de Castro sa kaniyang YouTube channel kung paano nila kinakaya ng fiancé na si David Rainey ang long distance relationship ngayong pandemya.

Sa tatlong minutong video, ibinahagi ni Glaiza kung paano nasubukan ang kanilang pananampalataya at creativity bilang couple.

Isa raw sa kanilang paraan ay ang pagsusulat sa isa’t isa lalo’t milya-milya ang layo ng kanilang tirahan.


Aminado si Glaiza na maging siya ay umaasa na bumalik na sa dati ang lahat pero sa sitwasyon ngayong ay malabo pa itong mangyari.

Matatandaang December 25, 2020 nang ma-engaged ang dalawa at hindi naman daw nagmamadaling maikasal.

Facebook Comments