AFP, ikinabahala ang pagkakaaresto ng isang Chinese national na may mga gamit pang-espiya

Mahigpit na nakikipag-ugnayan ngayon ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Philippine National Police Criminal Investigation & Detection Group hinggil sa nahuli nilang Chinese national na nanutok ng baril at nakuhanan ng mga kahina-hinalang gamit na posibleng pang-eespiya.

Ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, aalamin nila ang lawak ng insidente dahil maituturing itong may kinalaman sa national security.

Maging sila kasi ay nababahala sa pagkakarekober ng mga sophisticated electronic equipment sa naturang Chinese national.


Nabatid na base sa report ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), kasama sa mga narekober sa Chinese ang cellular interceptor device, tablets, cellphone, at military grade drone na maaari umanong gamit sa pang-eespiya.

Samantala, pinapurihan din ni Padilla ang CIDG sa kanilang mabilis na aksyon hinggil sa pagkakaaresto ng nasabing Chinese national.

Facebook Comments