2 tauhan ng MMDA na nahuling may police markings habang nag-eescort sa isang senador, pinalaya na ng PNP-HPG

Pinakawalan na ng Highway Patrol Group ang dalawang tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA na kanilang nahuli dahil sa pag-e-escort ng politiko gamit ang motorsiklo na may police markings.

Ayon kay HPG-NCR Chief Police Col. Neil Francia, pinalaya muna nila ang dalawang MMDA personnel matapos iutos ng Office of the City Prosecutor ng Parañaque.

Paliwanag ni Francia, sasailalim muna kasi ang mga ito sa Preliminary Investigation sa June 24.


Nabatid na bago pinakawalan, pina-medical muna nila ang dalawang MMDA personnel.

Paglabag sa Usurpation of Authority at illegal use of uniform or insignia ang kinakaharap ng dalawang MMDA personnel.

Facebook Comments