AFP, inaalam ang posibilidad na may miyembro ng Abu Sayyaf na nakalabas sa Bohol

Cebu, Philippines – Inaalam na ngayon ng Armed Forces of the Philppines sa Central Command ang posibilidad na may isang miyembro ng Abu Sayyaf Group na nakalabas na mula sa lalawigan ng Bohol.

Inihayag ito ng tagapagsalita ng AFP Central Command na si Lt. Colonel Luzmindo Mamauag matapos mapag-alaman na nakapagbook ng tiket sa isang RORO vessel ang isang nagngangalang “Anthony Tony Yusop” noong Abril 21, isang araw bago maganap ang pangalawang ingkuwentro ng ASG at puwersa ng gobyerno sa bayan ng Clarin, Bohol.

Ang araw ng biyahe ay Abril 23, mula sa pier ng Jagna patungo sa Cagayan de Oro City.


Isa sa tatlong Abu Sayyaf members na pinaghahanap ngayon ng mga otoridad ay kinilalang si Tony Yusop.

Facebook Comments