Senate Majority Leader Tito Sotto, tiwalang makakalusot sa Senado ang death penalty bill

Manila, Philippines – Tiwala si Senate Majority Leader Tito Sotto na makakalusot ang death penalty bill sa Senado.

Kasunod na rin ito ng pahayag ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na patay na ang death penalty bill sa senado dahil lima lamang na mga senador ang sumusuporta dito habang 13 na mga senador ang boboto kotra dito.

Sa interview ng RMN kay Sotto – sinabi nito na baka magulat si Drilon sa kakahitnatnan ng death penalty bill sa Senado.


Giit nito, hindi maaring magsalita si Drilon para sa ibang senador dahil marami nang nagpahayag ng pagsuporta sa nasabing panukalang batas.

Magugunitang ilang beses ng inihayag ni Senator Sotto na malaki ang tsana na makapasa ang death penalty bill kung sasaklawin lang nito ang mga sangkot sa high level drug trafficking.

Facebook Comments