AFP inilabas na ang mga larawan ng 5 Chinese warships na na-monitor sa Philippine waters

Manila, Philippines – Nakunan ng larawan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang limang Chinese warships na pumasok sa Philippine waters partikular sa Sibutu Strait sa Tawi-Tawi.

Batay sa monitoring ng AFP Western Mindanao Command nitong July 2, 2019, apat na Chinese warships ang pumasok sa Sibutu Strait.

Isa sa mga Chinese warships na-monitor ang pagpasok sa Sibutu Strait nitong August 4, 2019.


Ayon kay AFP WESMINCOM Commander Lieutenant General Cirilito Sobejana, tinangka ng mga sakay ng  air at naval assests ng Western Mindanao Command (WESMINCOM) na i-approach ang ilang Chinese warship sa Sibutu Strait pero agad na umiwas ang mga Chinese warship.

Sensyales aniya ito na hindi ito innocent passage ang ginawa ng mga Chinese warship sa halip pumasok sa territorial water ng Pilipinas nang walang pahintulot.

Sa ilalim ng United Nations Convention on the law of the sea o UNCLOS, lahat ng foreign vessel na dadaan sa karagatan na hindi nila sakop ay dapat naka straight path lamang patungo sa kanilang direksyon na ibig sabihin ay innocent passage.

Pero una nang sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na kinakailangan ng lahat ng foreign vessel na humingi ng diplomatic clearance mula sa Philippine Government kapag dadaan sa karagatang sakop ng Pilipinas.

Facebook Comments