Bangkay ng Isang Lalaki na Nalunod sa Ilog, Narekober!

114

*Cauayan City, Isabela- *Wala nang buhay nang marekober ang katawan ng isang lalaki matapos na malunod partikular sa Magat River ng Brgy. Cammarungayan, Aurora, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Jessie Geronimo, 41 anyos, may-asawa at residente ng Brgy. Cammaringayan, Aurora Isabela.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), lumabas sa imbestigasyon ng PNP Aurora na umalis sa kanilang bahay ang biktima dakong 12:30 ng hapon, Agosto 14, 2019 at nagtungo sa nasabing ilog.

Alas singko ng hapon sa parehong araw ay hindi na bumalik ang biktima kaya’t agad na humingi ng tulong ang ama nito na hinihinalang nalunod ang kanyang anak.

Sa ginawang retrieval operation ng pinagsanib na pwersa ng PNP Aurora, Rescue 811 at mga concerned citizens ay narekober sa ilog ang bangkay ng biktima.

Facebook Comments

From Advertisers