AFP, ipinagmalaki ang tagumpay ng kanilang kasamahang si Eumir Marcial sa 2020 Tokyo Olympics

84

Ipinagmalaki ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang tagumpay ni Airman First Class Eumir Marcial sa 2020 Tokyo Olympics.

Naibulsa ni Marcial ang bronze medal matapos mabigo sa Ukrainian boxer na si Oleksandr Khyzhniak sa men’s middleweight semifinal ng boxing.

Ayon kay AFP Spokesperson Navy Captain Jonathan Zata, lumaban ng husto si Marcial at ipinakita ang lakas ng isang tunay na sundalong Filipino.


Kaya nagpapasalamat aniya ang buong AFP kay Marcial dahil magsisilbi itong inspirasyon sa kanilang hanay.

Si Marcial ay tatanggap ng 2 milyong piso mula sa gobyerno.

Facebook Comments