GRO, Huli sa Pagbebenta ng Iligal na Droga

Cauayan City, Isabela- Arestado ang isang Guest Relation Officer (GRO) matapos ang ikinasang drug buy-bust operation kaninang ala-1:00 ng hapon sa Barangay Bulanao Norte, Tabuk City, Kalinga.

Magkasanib pwersa ang mga tauhan ng TCPS, PIU/PDEU, RPDEU, RID PRO-COR na nagsagawa ng operasyon laban kay Melanie Ordanza alyas Melanie Tavarez, 22-anyos at residente sa nasabing lugar.

Si Tavarez ay kabilang sa listahan ng high value target na nagresulta ng ilang ebidensya gaya ng dalawang (2) pakete ng pinaniniwalaan shabu na tumitimbang sa 2 gramo at may market value na P1,360.


Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments