Pinabulaanan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang ulat na naging marahas ang kanilang mga sundalo sa pagbawi ng mga Vote Counting Machine (VCM) at balota na tinangay ng watchers sa Brgy. Lumbatan Lanao del Sur nitong May 10.
Ayon kay AFP Spokesperson Police Col. Ramon Zagala, umakto lamang ang mga sundalo para i-recover ang dalawang VCM na hawak na ng mga watchers ng isang kandidato.
Ang ginawa aniya ng mga sundalo ay pagsunod sa hiling ng election officer na si Marthyr Harry Sumalipao dahil sa hindi na ligtas at mataas na ang tensyon sa lugar dahil hawak na ng mga watchers ang dalawang VCM at mga balota na hindi naman dapat.
Paliwanag pa ni Col. Zagala, na sa video na kumakalat ngayon sa social media, hindi naipakita ang 12 oras na mapayapang pakikipag negosasyon ng mga Philippine Army para makuha ang VCM at mga balota para mailipat sa kapitolyo bilang pagsunod sa utos ng COMELEC.
Sinabi pa ni Zagala, maliban sa tinatayang 150 na supporters ng isang kandidato na komontrol sa mga election paraphernalias sa munisipyo.
May 80 supporters ng kandidato ang humarang sa daraanan ng military truck sakay ang mga VCM para madala ang mga ito sa kapitolyo sa Marawi City lulan ang mga electoral boards.
Tiniyak ni Zagala na handa ang AFP sa isasampang reklamo ng mga watchers.